Si Pekto Nasa SM Sta. Mesa! Part 1
Oo si Pekto. Kilala mo ba siya? Siya 'yung komedyante sa Nuts Entertainment at Sa Bahay Mo Ba 'To? (sa GMA 7). Wahahahahahaha. Astig. Si Pekto ay madalas kong nakikita sa SM Sta. Mesa, sa may Quantum Arcade ayun laging nag-da-Dance Revo. Kaya kung gusto mo makuha ang autograph niya, sabihin mo lang sa akin. Wahahahahahaha uli. Hayup ka Pekto, lufet mo! Mag-aral ka naman kahit konti.Anyway, hindi naman talaga si Pekto ang paksa sa entry na 'to pero naisip ko lang na makukuha agad ang atensyon mo 'pag 'yun ang ginawa kong title. Tama ba naman ako? Hehehe. 'Di nga, pramis. Nakikita ko talaga si Pekto dun laging karir sumayaw.
Anyway uli, madalas kasi kaming magtungo ng aking mga repapips sa Quantum arcade sa SM Centerpoint. Na-adik na kami sa Dance Maniax, 'yung kamay at paa at bewang at ulo (whatevah!) ang ginagamit pero ako, kamay pa lang dahil hindi pa naman ako ganoong ka-expert tulad ng mga katoto ni Pekto. Tuwing pumupunta kami d'on, madalas naming nakikita ang mga tambay at adik ng Quantum. Lagi silang nag-da-Dance Revo, at paminsan-minsan ay Dance Maniax (kung saan sa puntong 'yon ay no mets na no mets na kami dahil ang gagaling nilang lahat!). Oo pramis, ang huhusay talaga nila! Mga talentadong bata! Hataw talaga sa galaw ng katawan at bilis ng apakan. Hanggang tingin na lang talaga ang kaya mong gawin dahil mahihiya kang umapak sa dance floor kung ikaw ay isang kawawang baguhan lamang. Kaya nga Dance Maniax na lang ang sinubukan namin dahil hindi naman 'yun ang isport nila.
Napaka-dedicated talaga ng mga taong ito. Mula opening pala ng mall (10 am), nandoon na kaagad ang ilan sa kanila, nag-wa-warmup na para sa yet another round of Dance Revo Fever. Hanggang gabi 'yon, solid. Nand'on pa rin sila at mas dumadami pa! Mukhang may fraternity na rin ata ang mga arcade freaks. Minsan naiiisip ko, nag-aaral kaya sila? Ano kaya ang kurso nila? Magkano ba ang tuition nila? E ang allowance kaya nila araw-araw? Sa'n kaya ito napupunta? Ano kaya ang gender nila? Birthday? Age? Hehehe. E kasi naman e, sa araw-araw atang ginawa ng Diyos, nand'on lang talaga sila. Parang d'on na umiikot ang kanilang mga napakaproduktibong buhay.
Ang kanilang lakas at talento ay ibinubuhos nila sa pag-praktis ng sayaw at pagpapahusay ng reflexes. Ang galing. Kayang-kaya nilang sayawin ang mga tugtugin kahit pa nakapikit o kumakamot ng kilikili. Oo, pramis. Idol ko sila. Sila ay dapat lang na kuhaning mga modelo ng Quantum Arcade. Papatok 'yun tiyak ako. May naisip pa nga akong slogan na maaaring isali sa magiging poster nila - A Bright Future Lies Ahead, So Enjoy And Play The Game.
Pero kung tutuusin, ano nga naman ba ang pakialam ko sa kanila? Hindi dapat ako nakikialam sa mga trip ng mga tao dahil buhay naman nila 'yon. Hindi naman ako ang gagaling sa Dance Revo, kun'di sila naman e. Lalong hindi rin naman nanay ko ang masasayangan ng pera dahil ginagastos ko lang lahat sa arcade. At siyempre, hindi naman brain cells ko ang mawawala dahil hindi naman talaga ako adik. Pero gan'on talaga e, napupuna ko ang mga ganyang bagay. Kung nais nilang hindi sila mapuna o makutya ng ibang tao dahil sa kanilang bisyo, e 'di sana mag-arcade na lang sila nang patago o palihim para walang nakakapansin sa kanila. 'Pag pasok mo pa nga lang sa entrance ng Quantum, sasambulat na sa 'yo ang mga nagagandahan at nagpopogian nilang mga pagmumukha. Idol talaga. Mabuhay kayo! Kayo ang natitirang pag-asa ng ating bayan.

10:05:00 AM
kuya pekto muzta po yau dyan pede ko pa ba malaman kung mag kanoi ang na gastos mo sa airsoft bussines mo??????!!!!!!!!!!!at mag kano ung mga gun mo ?????????!!!!!!!!!!!!!pls paki sagot sa friendster ko aj_b02@yahoo.com #1 fan mo ako eh top