<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=27530809&amp;blogName=Mahal+Ang+Krayola+Ngayon&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://blahblahblahyadayadayada.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http://blahblahblahyadayadayada.blogspot.com/&amp;vt=-2246147560056824013" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>

Diskleymer

Diskleymer: Ang mga salita at mga pangungusap na iginuhit ay pawang kuro-kuro, ideya, saloobin, pananaw o opinyon lamang ng gumawa ng blag na ito. Kung ikaw man ay nainsulto, natamaan o napataas ang kilay, pasensya na lang pero akin kasi ang blag na ito. Ideas and opinions are subject to change without prior notice.

May Dahilan Ang Lahat Ng Bagay

Napaka-cliche. Pero totoo. Kung ganyan ang mentalidad ng lahat ng tao, sobrang ganda na siguro ng ating mundo.

Nabalitaan mo ba 'yung nasiraang LRT noong isang linggo? 'Yung may naglagay ata ng lata dun sa railtracks kaya nag-short-circuit 'yung tren. Nakasakay ako dun nung nangyari 'yun. Galing Santolan 'yung biyahe at nung papunta pa lang ng Katipunan, nakarinig na kami ng mga pagsabog. Nung una, deadma lang. Nung pangalawa, nakikiramdam na ang karamihan, 'yung iba parang ninenerbyos na (o ha ate koya sabi ko na nga ba sa inyo 'wag masyado uminom ng kape e). Nung pangatlong beses na, nagulat ako. Hindi dahil sa pagsabog pero dahil sa nagtakbuhan na lahat ng tao papunta sa harapan. Ewan ko bakit, siguro human instinct o stimuli 'ata tawag d'un, basta nakitakbo na rin ako kasama nila. Buti at may kasama akong kaibigan no'n kundi nakakapraning talaga. D'yahe nga e kasi habang nagtatakbuhan may nakatabig pa ng bibig ko, ayun ang pangit tuloy ng pakiramdam, parang namamanhid 'yung labi ko na ewan. Nung nakapila na kaming lahat sa loob, sabi ko "ba't nga ba nagtatakbuhan 'tong mga 'to?" Sa totoo lang, kaya lang naman ako nakitakbo rin ay kasi akala ko baka mahihiwalay na 'yung tren pa-dahan-dahan (na-iiimagine mo?) kaya sa unahan pumupunta 'yung mga tao. 'Yun pala nerbyoso lang talaga sila.

Flashback konti. Nung oras na nagtatakbuhan na ang lahat, hawak-hawak ko ang cellphone ko n'un. 6680. Sinabi ko ang unit para manghinayang ka mamaya-maya 'pag pinagpatuloy mo ang pagbabasa nito. 'Yung uniporme ko kasi may dalawang malalaking pockets sa harapan. Nilagay ko siya sa right pocket ko at hinawakan talaga nang mabuti kasi siyempre siksikan at halos lahat nag-papanic. May oportunidad para may masamang espiritu na kumuha. 'Pag baba namin sa Katipunan, abang na naman kami ng dyip papuntang eskwela. Andami rin naming kasabay na na-stranded din. 'Pag may dyip na walang laman, paunahan talaga makasakay. Hay dyahe, naka-nursing uniform ako. 'Pag taas ko sa dyip talagang hawak na hawak pa rin ako sa cellphone ko dahil may pakiramdam ako baka mahulog sa dami nga ng tao.

Yessss. Nakarating na ng eskwela. Safe ang cellphone ko. Lagay na sa bag.

Nung pauwi na kami, nagpasama si prend sa bookstore na malapit lang sa school entrance. Ang ganda ng bookstore, walang sinabi National (hehe jk lang siyempre idol). Disente naman 'yung loob kaya dun na lang ako nag-text. Eto naman ako si gaga, lagay ko lang cellphone ko sa right pocket ko uli kasi nasanay na. Ayan chika-chika kay prend habang nakapila. Maya-maya, sabi niya, "tama ba 'tong pinilahan natin?" "Para ngang hindi eh! Tingnan mo wala silang dalang libro, ikaw lang meron! D'un ata sa kabila e!" E 'di ayun lipat kami sa kabila tapos ako naman si gaga kinapa uli 'yung right pocket ko. Aba ano ito! Wala na akong makapa. Huwat the? Cellphone ko wala na. Hindi ako umiyak. Tinanggap ko na lang ang aking katangahan.

Wala lang. To think na ingat na ingat ako kanina tapos pauwi na nga lang nadali pa. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Pero napaisip din ako. Ano kaya kung may kapalit 'yun? Ano kaya kung ang kapalit pala no'n ay ang kaligatasan naman ng napakadaming taong nakasakay sa LRT kanina? Ano kaya kung 'yun din ang kapalit ng kaligtasan ng aso kong nasagasaan ng kotse pero 'di napuruhan? Ano kaya kung kapalit naman no'n ay mas higit na kasiyahan sa akin? Paano kung priceless naman pala ang kabayaran no'n? Ayos. 'Yun na lang ang iisipin ko para pamapalubag-loob. Malay mo.

May maganda namang kinalabasan e. 8310 na ang cellphone ko ngayon pero sobrang ingat na ingat na ako dahil sayang 'yung sim card. Maniwala ka man o hindi pero nung nawala 'yung cellphone ko, tinext ko pa 'yung number ko sabi ko "kung sino ka man ibalik mo naman kahit 'yung sim card lang please." Hahaha! Ang gago e noh! Malamang hindi niya gagawin 'yun. Well, malay mo rin ba. Nilagyan ko na rin ng strap para lagi nang nakabitin sa leeg ko. Kung meron ka mang makitang biglang humugot ng cellphone niya mula sa kailaliman ng damit niya, haha ako 'yun no.

Kung ikaw ay na-touched, naiyak, natawa, nasuka, natakot, nairita, nainis o nagalit sa aking mga pinagsasabi, ipaalam mo sa akin. Maaari mo rin itong ipamahagi sa 'yong mga katoto sa pamamagitan ng e-mail, o 'di kaya'y i-bookmark mo ito sa pamamagitan ng mga nasa ibaba.
May sasabihin ka ba? | Bookmark | Go to end

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License.