<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=27530809&amp;blogName=Mahal+Ang+Krayola+Ngayon&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://blahblahblahyadayadayada.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http://blahblahblahyadayadayada.blogspot.com/&amp;vt=-2246147560056824013" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>

Diskleymer

Diskleymer: Ang mga salita at mga pangungusap na iginuhit ay pawang kuro-kuro, ideya, saloobin, pananaw o opinyon lamang ng gumawa ng blag na ito. Kung ikaw man ay nainsulto, natamaan o napataas ang kilay, pasensya na lang pero akin kasi ang blag na ito. Ideas and opinions are subject to change without prior notice.

Hindi Ba Kayo Kontento Sa Simple?

Ba't masyado n'yo (magkabukol na ang matamaan) ginagawang komplikado ang mundong ito? Nakakayamot 'yung alam mo 'yun, maliit na bagay lang pinapalaki pa. P'ede namang hindi gan'on, ginagawang gan'on. Mas masaya siguro ang buhay niyo kung simple lang 'di ba? Kahit kapos man kayo sa pera, sa talento, sa looks, sa lakas ng loob o ano pa man 'yang kakapusan n'yo, at least 'di ba namumuhay kang masaya.

Nakakatawa kasi ako mababaw ang kaligayahan ko. Oo pramis. Sobrang natutuwa ako kahit sa mga maliliit na bagay lang para sa ibang tao. 'Yung tipong tatawag lang si mama tapos magpapa-take-out ako sa kanya ng pasalubong o kaya nakaupo na 'ko sa loob ng klasrum at biglang sasabihin ng kung sino na wala pala 'yung prof namin. Kahit dun lang sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Parang p'ede na ko'ng mamatay. Hehe, joke lang. Exaggerated pero para lang ipaabot sa 'yo, aking mahal na mambabasa, na talaga nasisiyahan ako sa gan'un lang.

Bigla ring lumulundag ang puso ko (yak ang korni naman pero 'yun talaga 'yung feeling) 'pag umuulan, lalo na 'pag malakas. Ayos lang kahit walang payong, masarap naman magpabasa e. In short, hindi mahirap maging masaya. Ewan ko, siguro depende 'yun sa pag-iisip ng tao pero bahala sila, basta ako masaya. Ano bang pakialam ko kung hindi hi-tech ang cellphone ko. Kawalan ko rin ba kung hindi ako marunong mag-drive ng kotse. Ok lang din sa 'kin kahit hindi puro uno ang grades ko. Basta masaya ako. Tuldok.

Pihikan daw ako sa pagkain (kasi iniisa-isa kong kunin 'yung mga sahog sa ulam) pero siguro hindi ko lang talaga gusto ng mga komplikadong lutuin. Bakit ang hilig-hilig n'yo sa mga sushi, teriyaki, Korean/Japanese foods, pati 'yung mga pagkaing sobrang dami ng layer tapos kung anu-ano pang sahog ang meron e samantalang andadaming pagkain d'yan na sobrang simple pero sobra-sobra rin ang sarap? Hindi niyo ba alam na masarap ang kamatis at asin na ulam? Masarap din ang pritong isda at kamatis tapos may kasama pang toyo at kalamansi. Mang Tomas at kanin nga lang solb na solb na ako. Pati mga tsokoleyts ang hihilig n'yo dun e wala namang pinagkaiba 'yan sa sarap ng Choco Knots tapos i-dip sa cream. Kita n'yo, pinahihirapan n'yo sarili n'yo. Pramis hindi ko tayp ang mga mahahaling resto, palibhasa siguro anak mahirap ako pero mas masarap naman talaga ang Jollibee, McDo, KFC, Kenny, at iba pang fastfood chains kesa sa Tokyo Tokyo, Cinnamon House, at iba pang kakornihang kainan d'yan.

Hindi ko naman sinasabing 'wag n'yo lagyan ng thrill ang buhay n'yo pero 'wag naman OA. Tulad na lang nung mga kaklase kong maarte sa klase, sobrang OA tumawa. Buti sana kung nakakatawa talaga e hindi naman. Nakakatawa nga pero ako na taong mababaw ang kaligayahan hindi rin natatawa. Hay, may sense pa ba 'tong sinasabi ko. Gusto ko ng simple pero parang sinasabi kong 'wag masyadong simple. Siguro dapat nasa lugar din. Pinapatunayan ko lang din siguro na p'ede naman maging maligaya kahit na simple lang ang lahat. Nag-away kayo ng boyfriend mo, okay fine, sige malungkot ka pero 'wag naman 'yung sa punto na hindi ka na kumain, hindi ka na mag-aral, o mas masahol pa, maglaslas ka ng pulso mo. I mean duh, ang babaw naman no'n 'di ba? Daming hotties kaya sa mundong ito, hehe.

Umiyak ka kung malungkot ka, tumawa ka kung masaya ka. Gan'ong kasimple 'di ba? Pero 'wag mo pahirapan sarili mo kung hindi naman kelangan. Ay, ano nga naman ba pakialam ko sa 'yo? Hehehe.

Kung ikaw ay na-touched, naiyak, natawa, nasuka, natakot, nairita, nainis o nagalit sa aking mga pinagsasabi, ipaalam mo sa akin. Maaari mo rin itong ipamahagi sa 'yong mga katoto sa pamamagitan ng e-mail, o 'di kaya'y i-bookmark mo ito sa pamamagitan ng mga nasa ibaba.
May sasabihin ka ba? | Bookmark | Go to end

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License.