<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=27530809&amp;blogName=Mahal+Ang+Krayola+Ngayon&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://blahblahblahyadayadayada.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http://blahblahblahyadayadayada.blogspot.com/&amp;vt=-2246147560056824013" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>

Diskleymer

Diskleymer: Ang mga salita at mga pangungusap na iginuhit ay pawang kuro-kuro, ideya, saloobin, pananaw o opinyon lamang ng gumawa ng blag na ito. Kung ikaw man ay nainsulto, natamaan o napataas ang kilay, pasensya na lang pero akin kasi ang blag na ito. Ideas and opinions are subject to change without prior notice.

Friendster, Huwat Pt. 2

Pasintabi lang uli sa mga matitinong gumagamit ng Friendster, kung alam mo namang nasa tama kang panig, aba 'wag ka maghimutok 'pag nabasa mo ito. As if naman may magbabasa nito hehehehehehehe.

Nakakabagabag lang kasi tuwing pupunta ako ng kompyuter shop ngayon, ang dami pa ring nakaupo dun na Friendster lang naman ang inaatupag. Ako naman isip-isip ko, "huwat the fuck are you doing?!" Para kasing alam mo 'yun, hindi siya productive gawin. Hindi tumataas ang IQ points mo dun at lalong hindi rin nadadagdagan ang muscles mo or nababawasan ang fats sa katawan.

Ewan ko kung matutuwa ako o maiinis 'pag 'yung nakikita kong nag-fifriendster e talagang pati 'yung layout at css html ng kanilang friendster page e mabusisi pa at ang daming eche bureche. Hay, parang mga immature na bata.

Ang tanong ng bayan ngayon, "nababawasan ba ang pagkatao mo 'pag wala kang Friendster?"

Depende sa tao 'yung sagot. May mga tao kasing makitid ang pag-iisip at meron din namang open-minded. Kanya-kanya lang. Siyempre kung ako tatanungin, ang sagot ko hindi. Malamang eh Friendster's just a piece of shit on the internet.

Asenso na nga rin pala ang Friendster kasi may blogs na. Oo, kaso siyempre ganun din, korni rin. Expected na na 'pag sa Friendster ka gumawa ng blog, puro sa pathetic layf mo lang ang nakasulat d'on.

Napaka-predictable na rin ng mga Friendster pages kasi halos lahat ng mga ito ay may mga common ingredients. Kahit nga ako na hindi user ay alam na kung anu-ano ang mga must-haves sa isang Friendster page. For your heavenly sake, I will enumerate the top 5 essential must-haves for you.
(in no particular order)
1.) pamatay na background with falling ka-ek-ek-ans and chuvaness na kung tutuusin ay p'ede namang 'yung simple lang para mabilis magload
2.) glittergraphics na kung tutuusin p'ede mo naman itayp na lang para 'di masakit sa mata
3.) paborito mong video/s sa Youtube na kung tutuusin ay p'ede namang link na lang sa URL
4.) photo scrolls tulad ng RockYou na hindi naman talaga necessary kasi in the first place may Photos Page na e
5.) Mga html codes ng nakuha mong result sa isang pathetic quiz sa internet

Ilan lang 'yan sa mga dahilan kung bakit nakakairita ang Friendster. Duh, kung ang reason lang DAW ng iba d'yan kung ba't sila nagfi-friendster e para maging in touch sa ibang lost friends nila, e ba't kelangan may ganyan di ba?! Common sense naman konti please. :)

Tinatanong pa ba kung KORNI ang Friendster? Oo, korni.

Balik tayo uli dun sa mga mahilig magbukas ng Friendster sa cafes. Marahil naiisip ng iba d'yan, kung talagang irita ako ba't hindi ko na lang sila tingnan at pakialaman para walang problema. Hehehe, ang sagot ko naman, ba't kaya hindi na lang sila ang umalis para hindi ko problemahin? :P

Kung ikaw ay na-touched, naiyak, natawa, nasuka, natakot, nairita, nainis o nagalit sa aking mga pinagsasabi, ipaalam mo sa akin. Maaari mo rin itong ipamahagi sa 'yong mga katoto sa pamamagitan ng e-mail, o 'di kaya'y i-bookmark mo ito sa pamamagitan ng mga nasa ibaba.
May sasabihin ka ba? | Bookmark | Go to end
  • Anonymous Anonymous |
    8:39:00 AM  

    you know what... kung bakit mo yan nasabi coz di mo pa nasubukan... coz friendster do really help us... especially yung matagal na naming di nakikita... hello! kaw yata ang walang common sense.... kaya mo lang nasasabi kasi wala kang friendster... ewan ko lang pag nasubukan mo na top

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License.